Nagpaalala na ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Manila Electric Company (Meralco) na makararanas ng brownout ang ilang lugar sa Tondo ngayong weekend.
Ito ay dahil sa isasagawang line maintenance mula alas-11:30 hanggang 11:59 ng gabi ng June 16 at alas-4:00 hanggang 4:30 ng umaga ng June 17.
Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang New Antipolo St., mula Ma. Guijon hanggang Jose Abad Santos Ave., Old Antipolo St., mula Jose Abad Santos Ave hanggang Oroquieta Road, kabilang ang Tindalo Ext. at Almeda Sts., bahagi ng T. Mapua at Anacleto Sts., mula Old Antipolo St. hanggnag Herrera St., kabilang ang Yuseco at Laguna Sts.
Wala ding kuryente sa mga nabanggit na oras ang Batangas St., mula Makata Street hanggang Rizal Ave gayundin ang Rizal Ave., mula Old Antipolo St. hanggang Yuseco St.
Apektado rin ang Bagac St., mula Santos Toeodoro hanggang Morong St, sa Manuguit., Jose Abad Santos Ave. mula Morong st hanggang sa kalapit ng New Antipolo St., kabilang ang Mercury Drug at Ospital ng Tondo.
Wala ring kuryente ang bahagi ng New Antipolo St. mula Jose Abad Santos hanggang Tindalo St.
Agad namang ibabalik ang suplay ng kuryente sakaling matapos agad ang reconstruction ng mga poste ng kuryente sa kahabaan ng Jose Abad Santos. —sa ulat ni Felix Laban. DZME News