dzme1530.ph

PBBM, ligtas na nakarating sa South Cotabato matapos ang technical problem sa sinakyang eroplano

Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil na nagka-problema ang eroplanong sinakyan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patungong South Cotabato ngayong araw ng Miyerkules.

Ayon kay Garafil, dahil sa technical issue ay napilitang bumalik ang eroplano sa Villamor Airbase, para lumipat sa ibang eroplano.

Sinabi naman ng PCO chief na ligtas ang lagay ng pangulo.

Si Marcos ay nasa South Cotabato ngayong araw para sa launching ng South Cotabato Consolidated Rice Production and Mechanization, Kadiwa ng Pangulo, pamamahagi ng government assistance, at ang isasagawang job fair.

Sa ngayon ay nakarating na ang pangulo sa South Cotabato at nagsisimula na ang programa. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author