Isasama na rin sa mga benepisyaryo ng Food Stamp Program ang mga single-parent, buntis, at mga nagpapasusong ina.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na ang problema sa child stunting o kakulangan sa timbang ng mga bagong panganak na sanggol ay nagsisimula sa unang 1,000 araw ng isang ina, mula sa pagpunta sa daycare, pagbubuntis, panganganak, at pagpapasuso.
Samantala, sinabi naman ni Health Sec. Ted Herbosa na umaabot sa 21.6% ang stunting rate para sa mga batang 23 months old pababa, o isa sa kada limang bata, at 28.7% sa mga edad lima pababa.
Bukod dito, nasa 16.4% din ang nutritionally at risk pregnant mothers o ang mga inang kulang sa nutrisyon.
Kaugnay dito, sa ilalim ng Food Stamp Program ay bibigyan ng vouchers ang mga buntis upang sila ay makakain ng maayos, para matiyak din na sapat ang nutrisyong maibibigay nila sa bata sa breastfeeding, hanggang sa dumating ang panahon na pwede na rin ang oral feeding.
Iginiit ni Sec. Gatchalian na ang Food Stamp Program ay isang investment sa human capital, dahil ang epekto umano ng food stunting ay permanente at hindi isang sugat lamang na maaaring gamutin. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News