dzme1530.ph

Economic managers, pinagtibay ang suporta sa Maharlika Fund

Pinagtibay ng economic managers ng administrasyong Marcos ang suporta sa pagtatatag ng Maharlika Investment Fund.

Sa joint statement na pinamagatang “The MIF, a vehicle growth”, inihayag ng economic team na ang Maharlika Fund ay naka-linya sa medium-term fiscal framework at 8-point socio-economic agenda.

Ito rin ang mag-ooperationalize sa Philippine Development Plan 2023 – 2028.

Bukod dito, ang legal framework ng pinal na bersyon ng Maharlika Fund Bill ay sumusunod sa fundamental principles ng economic policy at financial market participation, kaya’t makabubuti ito sa ekonomiya at sa mga Pilipino.

Isasakatuparan naman ng bubuuing Maharlika Investment Corporation ang high-impact infrastructure at development projects, padadaliin ang fiscal constraints, at ima-maximize ang returns sa investments.

Malinaw din umano ang nakasaad na objectives ng Maharlika Fund, ang ito ay ang i-invest ang pondo ng gov’t instrumentalities.

Matatandaang ang Maharlika Fund Bill ay aprubado na ng Senado at Kamara at naghihintay na lamang ito ng lagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author