Iginiit ni Senador Grace Poe na dapat ipaliwanag ng Toll Regulatory Board (TRB) at North Luzon Expressway (NLEX) ang biglaang pagtataas ng toll rates nito.
Sa pagpuna ni Poe, sinabi nito na kung ang periodic adjustments ay matagal nang dapat nailarga, dapat ipaliwanag ng TRB kung bakit ngayon lamang ito naisakatuparan.
Ang kwestyon anya sa toll rates ay hindi lamang batay sa PPP contract kundi maging sa traffic data.
Tanong ng senador kung sadya nga bang express service ang naibibigay sa taumbayan ng expressways o natutumbasan ba ng maayos na serbisyo ang ibinabayad.
Iginiit ni Poe na panahon na ring pag-aralan ng gobyerno ang dynamic pricing kung saan hindi dapat magpatupad ng dagdag singil kung mababa naman ang customer satisfaction o hinid naabot ang performance benchmarks.
Ipinaalala pa ng mambabatas na bagama’t nakapaloob sa PPP contract ang toll rates, dapat pinag-aaralan itong mabuti ng TRB upang matiyak ang proteksyon sa interes ng publiko. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News