dzme1530.ph

Ilulunsad na fishery program sa Agosto, suportado ng World Bank

Inanunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ilulunsad sa Agosto ang Seven-Year Fisheries Project makaraang makuha ang funding approval mula sa World Bank.

Sinabi ng BFAR na layunin ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project na popondohan ng $209-M, na mapagbuti pa ang fisheries management at production sa bansa.

Una nang inihayag ng multi-lateral lender na inaprubahan ng kanilang Board of Executive Directors ang P176-M na loan para sa naturang proyekto.

Pinasalamatan naman ni BFAR National Director Demosthenes Escoto ang World Bank at lahat ng kanilang partner sa national government agencies sa pagtulong sa paghahanda para sa implementasyon ng FishCoRe project na inaasahang pakikinabangan ng mahigit 1.15-M mangingisda, small to medium enterprises, at mga residente sa mga tabing-dagat. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author