Siyam mula sa sampung Pilipino ang nagsabing pakiramdam nila ay ligtas sila sa loob ng kanilang komunidad habang pito naman mula sa sampu ang naniniwalang ligtas sila sa sarili nilang tahanan, ayon sa survey na isinagawa ng OCTA Research.
Sa first quarter, tugon ng Masa Survey na isinagawa noong March 24 hanggang 28, 91% ng 1,200 respondents ang naniniwalang ligtas sila sa kani-kanilang neighborhood.
71% naman ang nagsabing pakiramdam nila ay ligtas sila sa kanilang tahanan habang 10% ang nagsabing pakiramdam nila ay hindi sila safe.
Samantala, 48% ang naniniwalang ligtas mula sa iligal na droga ang kanilang komunidad habang 23% ang nagsabing delikado mula sa illegal drugs ang kanilang lugar. —sa panulat ni Lea Soriano