dzme1530.ph

Pagtanggap sa mga Afghan refugees, suportado ni Cong. Rufus Rodriguez

Suportado ni Congressman Rufus Rodriguez, ang pagtanggap ng Pilipinas sa mga Afghan refugees.

Ayon kay Rodriguez bilang bansa na maawain at mapagkalinga, hindi na bago sa Pilipinas ang tumanggap ng refugees for humanitarian reasons gaya ng mga Afghans na napilitang tumakas sa kanilang bansa dahil sa kalupitan ng Taliban leaders.

Una nang sinabi ni US Ambassador Jose Manuel “Babe” Romualdez na batid ito ni PBBM subalit hindi pa naman niya ito inaprubahan.

May ilang refugee centers naman aniya sa bansa na pwedeng gamitin bilang temporary shelter ng displaced Afghans habang pino-proseso ang kanilang status.

Noong September 2021 sa panahon ni dating Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, Jr. unang kinupkop ng Pilipinas ang kababaihan at batang Afghans matapos bumagsak sa kamay ng Taliban ang Afghanistan.

Sa panunungkulan ni late President Ferdinand Edralin Marcos, tinanggap din nito ang libu-libong Vietnamese “boat people” nang bumagsak ang South Vietnam sa kamay ng North Vietnamese forces noong 1975.

Umaasa si Rodriguez na tutularan ni Pangulong Marcos ang kagandahang loob ng kanyang ama sa pagtanggap ng mga refuges mula sa Afghanistan. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author