dzme1530.ph

90-day evacuation scenario sa gitna ng pag-aalburoto ng Mayon, tinitingnan ng Albay Public Safety Office

Nakahanda ang pamahalaang panlalawigan ng Albay sakaling umabot ng 90 araw ang paglikas sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Ito ang inihayag ni Eugene Escobar, Officer-In-Charge ng Albay Public Safety and Emergency Management Office na tinitingnan nila ang 90-day evacuation scenario sa lugar depende sa sitwasyon ng naturang bulkan.

Nabatid na sa nakalipas na pag-alburoto ng Mayon, umabot sa limang buwan ang pinakamatagal na paglikas.

Binigyang-diin naman ni Escobar na hindi nila mapapanatili nang mag-isa ang nasabing hakbang, subalit naniniwala siya na tutulong ang gobyerno at iba pang ahensya ukol dito.

Una nang sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Dir. Teresito Bacolcol na posibleng magtagal ng ilang buwan ang mataas na aktibidad ng Bulkang Mayon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author