Malaki ang tiyansa na magkaroon na ng bakuna kontra chikungunya.
Nagpakita kasi ng magandang resulta at malaking potensiyal ang chikungunya vaccine na ginawa ng French-Austrian drugmaker na Valneva.
Ayon sa Valneva, nakatakda nang suriin ng health authorities ang VLA1553 vaccine matapos itong aprubahan ng US at Canada.
Base sa ikinasang randomized placebo-controlled phase three trial, lumabas na mula sa isang subgroup ng 266 na tao na nakatanggap ng bakuna, 263 o 99% dito ang bumuo ng mga antibodies na maaaring i-neutralize ang chikungunya virus.
Sa broader trial naman ng 1,400 healthy adults, nakita na ang single-shot ng naturang vaccine ay “generally safe” para sa consumption ng publiko.
Gayunman, bagama’t napatunayan na ito ay posibleng panlaban sa chikungunya, may mga eksperto pa rin na nagsasabing kailangan pa nito ng mas masusi pang pag-aaral dahil isinagawa lamang ang test sa Estados Unidos kung saan ang virus ay napakabihira. —sa panulat ni Jam Tarrayo