dzme1530.ph

Mozzarella cheese, maganda nga ba para sa kalusugan ng buntis?

Ang mozzarella cheese ay isa sa paboritong sangkap sa pizza at iba pang lutuin o baked products.

Taglay nito ang calcium na tumutulong para sa pagpapatibay ng mga buto at ngipin, at katuwang din sa pagsasa ayos ng blood pressure at pagtibok ng puso.

Batay sa pag-aaral, kailangan ng pregnant woman ng 1,000 mg ng calcium kada araw.

Maliban sa nakapagpapatibay ng buto at ngipin, nakapagpapaiwas din ang pagkain ng mozzarella cheese sa pre-eclampsia.

Ito ang kondisyon kung saan nagiging sanhi ng high blood pressure at protina sa ihi ng mga nagdadalantao.

Bagama’t wala itong lunas, makatutulong ang pagkain ng naturang keso para mabawasan ang panganib ng ganitong kondisyon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author