dzme1530.ph

Necrological service ng Senado kay dating Sen. Biazon, itinakda sa Lunes

Itinakda na ng Senado sa Lunes, June 19 ang necrological services para sa yumaong si Senador Rodolfo Biazon.

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, alas-10:00 ng umaga sa Lunes ay dadalhin sa Senado ang labi ni Biazon para sa huling pagpupugay ng mga senador gayundin ang mga dating nakasama nito sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Kasabay nito, inilagay na sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa Senado bilang pagluluksa sa pagpanaw ng dating heneral.

Samantala, nagpaabot na rin ng paunang mensahe ng pakikidalamhati sina dating Senate President Vicente Tito Sotto, III at dating Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Sinabi ni Sotto na labis ang kanyang kalungkutan sa pagyao ni Biazon na inilarawan niyang isang fighter o palaban.

Idinagdag ng dating senate leader na nasaksihan niya ang extraordinary courage ni Biazon nang sabay silang magsilbi bilang mga mambabatas noong 1992 hanggang 1995 at 1998 hanggang 2004.

Samantala, sinabi ni Drilon na kilala si Biazon sa panininidigan at pakikipaglaban kung ano ang sa tingin nya ay tama para sa kapakanan ng bansa.

Tulad naman anya ng matandang sundalo, sinabi ni Drilon General Biazon will never die, he will just fade away. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author