dzme1530.ph

Taguig City LGU, umapela kay Makati City Mayor Binay na igalang ang ruling ng Korte Suprema

Mismong ang Taguig City LGU na ngayon ang umaapela kay Makati City Mayor Abegail Binay na igalang ang ruling ng Korte Suprema sa territorial dispute.

Naalarma ang pamahalang lokal ng Taguig sa ipinapakalat na fake news kaugnay sa diumano’y pagbubukas muli ng kaso sa agawan ng teritoryo gayung pinal na itong nadesisyunan ng Kataas-Taasang Hukuman.

Maging ang sinabi ni Binay na nakausap nito at nangako na tutulong para sa re-opening ng kaso sina PBBM, First Lady Liza Araneta-Marcos at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ay malinaw na fake news din umano.

Nakakabahala rin umano ang sinabi ng alkalde na may dokumento silang natanggap na nagtatakda ng oral argument gayung sila sa Taguig ay walang natatanggap na notice.

Paggigiit ng Taguig LGU, ang final and executory decision sa Makati-Taguig territorial dispute ay unang inilabas ng SC noon pang September 28, 2022 matapos ibasura ang Motion for Reconsideration (MR) ng Makati City.

Nakasaad din sa desisyon ng Supreme Court na wala nang pleadings, motions, letters o anumang kumunikasyon na tatanggapin na may kaugnayan sa usapin.

Maging ang huling hirit na iakyat ito sa SC En Banc ay ibinasura din dahil sa kawalan ng merito, habang ang tangkang second MR ay hindi na pinapayagan sa ilalim ng rules of procedure. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author