dzme1530.ph

Paglipat sa e-vehicle, makatutulong upang maisulong ang decarbonization sa bansa -PCAPI

Makatutulong ang paglipat sa electronic vehicle na maisulong ang decarbonization sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Pollution Association of the Philippines (PCAPI) Vice President for External affairs, mr. Jeremiah Dwight Sebastian na ang tax incentives sa e-motorcycles ay magbibigay-daan sa karamihan ng mga Pilipino na lumipat sa isang mas-abot kaya at eco-friendly na transportasyon.

Aniya, makatutulong ang paggamit ng e-vehicle upang mabawasan ang polusyon sa mga komunidad at mapabuti ang kalidad ng hangin.

Samantala, base sa datos ng Department of Energy, sinabi ng PCAPI na target ng ahensya na magroll-out ng mahigit 2-M e-vehicles sa 2028, na binubuo ng mga sasakyan, tricycles, motorsiklo at bus. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author