Ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sisikapin nitong palayain ang Pilipinas mula sa poverty o problema sa kahirapan.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa seremonya sa Quirino Grandstand sa Maynila, inihayag ng pangulo na may mga umiiral pa ring “unfreedoms” na bumabalakid sa human development.
Ang mga ito umano ay ang mga mapaminsalang kondisyong panlipunan at pulitikal, kabilang ang poverty, hindi sapat na economic opportunities, at inequality o hindi pagkakapantay-pantay.
Kaugnay dito, tiniyak ng pangulo na magpu-pursige ang gobyerno upang alisin ang mga nasabing unfreedoms, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom, at pag-resolba sa kahirapan.
Ipinagmalaki ni Marcos ang inilunsad na Philippine Development Plan na naglalaman ng mga plano at programa tungo sa pagpapauland ng ekonomiya at lipunan sa loob ng anim na taon.
Ipina-alala rin ng pangulo ang mga kataga noon ng kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na si Heneral Emilio Aguinaldo, na sinabing hindi makakamit ang tunay na kalayaan kung walang magiging pagkakaisa sa pag-usad tungo sa iisang mithiin. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News