dzme1530.ph

Mga aktibidad ng 3 bulkan sa bansa, itinuturing na isolated cases

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang mga naobserbahang aktibidad sa Bulkang Mayon, Bulkang Taal, at Bulkang Kanlaon ay “isolated” cases at walang kaugnayan sa isa’t isa.

Paliwanag ni PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol, mayroong 24 na aktibong bulkan sa bansa at posible na dalawa hanggang tatlo rito ay sabay-sabay na magpakita ng mataas na aktibidad.

Sa ngayon, nasa ilalim ng alert level 3 ang sitwasyon ng Bulkang Mayon dahil sa patuloy na paglalabas ng lava, habang ang bulkang Taal at bulkang Kanlaon ay parehong nasa alert level 1 o low-level unrest. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author