dzme1530.ph

800 pulis, idineploy sa Albay sa gitna ng mga aktibidad ng Mayon

Aabot sa 800 police personnel ang ipinakalat sa mga itinalagang public school buildings, evacuation centers, at mga lugar sa Albay para sa emergency response purposes, sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na upang matiyak ang kaligatasan ng evacuees at mga residente na malapit sa danger zone ay nag-deploy sila ng mga pulis mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan simula pa noong June 8.

Inihayag ni Fajardo na isang reactionary standby support force ang available din sakaling mangailangan ng karagdagang pulis sa panahon ng emergency. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author