Dumami ang bilang ng mga manggagawang hindi nabayaran noong April 2023 sa kabila ng pagtaas ng employment rate.
Batay sa pinakahuling resulta ng Labor Force Survey (LFS), ipinapakita na pumalo sa 48.06-M mula sa 45.63-M ang employed individuals sa naturang panahon.
Sa nasabing bilang, 61.5% o 29.57-M na manggagawa ang may pinakamalaking share noong Abril.
Sinundan ng self-employed individuals na may 27.5% o 13.23-M share habang ang unpaid family workers na ikatlo sa largest worker class sa lahat ng mga manggagawa ay may 4.07-M o 8.5% share.
Tinukoy naman ng Philippine Statistics Authority ang unpaid family worker bilang isang indibidwal na nagtatrabaho subalit walang nakukuhang sweldo o bayad mula sa negosyo ng kamag-anak o miyembro ng pamilya. —sa panulat ni Airiam Sancho