Hinimok ni Senador Imee Marcos sina Defense Secretary Gilbert Teodoro at National Security Adviser Eduardo Año na bigyang linaw sa publiko ang hiling ng Estados Unidos para sa temporary housing sa Afghan special immigrants.
Nais malaman ni Marcos kung ano ang tunay na layunin ng US government sa pagsusulong na mabigyan ng matutuluyan sa bansa ang mga Afghans sa halip na sa American mainland o bansang malapit sa Afghanistan.
Una nang inihain ni Marcos ang Senate Resolution 651 para imbestigahan ang intensyon ng Estados Unidos dahil walang datos na inilalabas sa publiko.
Partikular ding nais malaman ni Marcos ang estado ng mga Afghans kung legitimate refugees ang mga ito o mga empleyado ng US government o American companies.
Ipinaalala ni Marcos na nitong nakalipas na taon ay naging isyu ang security at espionage threats dahil sa labanan ng superpowers.
Sinabi ni Marcos na ang kawalan ng transparency ay hindi magandang gawain at hindi makatutulong sa bayan. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News