dzme1530.ph

Bilang ng mga tambay na Pinoy, nabawasan noong Abril

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Abril sa gitna ng sumiglang economic activity sa nabanggit na buwan, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority.

Sa press conference, sinabi ni national statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na bumagsak sa 2.26-M ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho edad 15 pataas noong ika-apat na buwan, mula sa 2.76-M noong April 2022.

Katumbas ito ng 4.5% na unemployment rate mula sa 50.3-M individuals na nasa labor force.

Mas mababa rin ang bilang ng unemployed Filipinos noong Abril kumpara sa 2.42-M na naitalang jobless noong Marso ngayong taon.

About The Author