Ibababa ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 9.5% mula sa 12% ang reserve requirement ratio (RRR) ng mga lender sa buong bansa sa Hunyo a-30.
Ayon sa BSP, aabot sa 250 basis points ang mababawas sa RRR ng universal at commercial banks, at non-bank institutions upang matiyak ang stability ng credit conditions o pagpapautang.
200 basis points naman ang ibabawas sa RRR ng digital banks upang maibaba sa 6%, habang 100 basis points sa rural at cooperative banks.
Ang reserve requirement ay tumutukoy sa porsyento ng idinepositong pera ng mga customer at iba pang liquid assets na dapat ideposito ng commercial banks sa kanilang institusyon o sa Central Bank. —sa panulat ni Airiam Sancho