Nakatanggap ng papuri sa isang kongresista ang More Electric and Power Corporation (MorePower), sa boluntaryo nitong pagbabalik sa customers ng bill deposit.
Ayon kay Iloilo Cong. Jam Baronda, maganda gesture sa MorePower ang kusang pagsasauli ng bill deposit na umaabot sa P5-M dahil hindi ito karaniwang ginagawa ng ibang Distribution Utilities (DU).
Ang bill deposit ay paunang bayad ng mga customers na nag-a-apply para makabitan ng linya ng kuryente, ngunit sa sinasaad ng Magna Carta for Residential Electric Consumers, makalipas ang 3 taon kailangan itong isauli ng DU kapag ang customer ay nagbabayad sa oras at hindi naputulan ng linya.
Nanawagan na rin si Baronda sa iba pang DU na tularan ang ginawa ng MorePower na kusang isinauli ang bill deposit sa mga eligible customers.
Dahil dito nais gamitin ni Baronda ang congressional oversight upang alamin sa lahat ng DU sa bansa kung sinusunod ang compliance sa pagsasauli o refund ng bill deposit na posibleng umabot sa bilyong piso. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News