Nanawagan si Cagayan de Oro 2nd Dist. Rep. Rufus Rodriguez sa China na atasan ang kanilang navy, coast guard at Chinese militia vessels na lumayas sa Philippine 200-mile Exclusive Economic Zone (EEZ), gaya ng ginawa nito sa Vietnam.
Ang panawagan ni Rodriguez ay kasunod ng pag-alis ng China research ship na Xiang Yang Hong 10 at escort vessels mula sa EEZ ng Vietnam matapos ang high-level talks sa pagitan ng mga opisyal ng China at Estados Unidos.
Una nang prinotesta ng Vietnam ang presensya ng Chinese ship sa kanilang EEZ.
Hindi batid ng kongresista kung ang US-China talks ang naging rason ng paglayas ng Chinese sa EEZ ng Vietnam, basta’t ang mahalaga ay lumayas din sila sa Scarborough Shoal na 120 miles off Zambales at Pangasinan, Ayungin at Juan Felipe Reef na nasa loob ng 200-mile EEZ at iba pang shoal at reef na nasa 120 at 175 miles lang ng Palawan.
Pinuri din ni Rodriguez si newly installed Defense Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro, Jr. na nagsabing “What is ours, is ours” na aniya ay “very courageous declaration.” —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News