Matibay ang paninindigan ni House Majority Floor Leader Mannix Dalipe, sa commitment ng Mababang Kapulungan na pagtibayin ang lahat ng priority measures ni PBBM at LEDAC.
Ayon kay Dalipe, walang oras ang Kamara sa “partisan distractions” na nililikha ng mga pasaring ni Vice President Sara Duterte kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Sa ngayon abala ang buong Kamara sa paghahanda para sa ikalawang SONA ni PBBM at ang pagtatakda ng legislative directions sa pagpasok ng 2nd regular session.
Pagtitityak pa ni Dalipe, hindi sila patitinag sa premature partisanship at political rumblings.
Ipinagdiinan din ng mambabatas na sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, nagawa nilang ipasa ang 33 mula sa 42 LEDAC listed measures.
Bukod sa SONA naghahanda na rin ang Kamara sa isusumiteng National Expenditure Program (NEP) ng Marcos administration para sa taong 2024. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News