dzme1530.ph

Pagtaas ng presyo ng mga isda sakaling ipatupad ang FAO No. 266 ng BFAR, ikinabahala

Nangangamba ang Inter-Island and Deep Sea Fishing Association (ISDFA) na tumaas ang presyo ng isda sakaling ipatupad ang kontrobersyal na panukalag target ang fishing operators.

Partikular na tinukoy ni ISDFA Director Roderic Santos ang Fisheries Administrative Order (FAO) no. 266 na inilabas noong 2020 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na nagre-require sa lahat ng commercial fishing operator na mag-install ng vessel monitoring system (VMC) upang bantayan ang mga mahuhuling isda.

Nabatid na mahigpit na tinutulan ng fishing industry ang FAO 266 at idineklara na walang bisa ng trial court dahil sa pagiging unconstitutional.

Sinuspinde rin ng Office of the President ang pagpapatupad ng nasabing administrative order, habang nakabinbin ang desisyon ng Korte Suprema sa konstitusyonalidad nito.

Ayon kay Santos, ang implementasyon ng FAO 266 ay may kaakibat na consequences lalo na sa pagsisikap ng gobyerno na maabot ang food security ng bansa.

Ibinabala rin niya na sakaling igiit ng bfar ang pagpapatupad ng naturang administrative order, posibleng itong magdulot ng “price shock” sa mga konsyumer. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author