dzme1530.ph

Bagong DND Sec. Gibo Teodoro, hinikayat ang CPP na magpa-rehistro bilang lehitimong political party

Hinikayat ng bagong talagang kahilim ng Department of National Defense (DND) na si Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang Communist Party of the Philippines (CPP), na magpa-rehistro bilang isang lehitimong political party.

Sa press briefing sa Malakanyang, nilinaw ni Teodoro na hindi ipinagbabawal ang CPP, dahil ni-repeal o ipinawalang-bisa na ang Republic Act no. 1700 na nag-outlaw o nagbawal sa pag-eexist ng CCP at mga kaparehong organisasyon.

Gayunman, magkaka-problema lamang umano kapag nagkaroon sila ng direkta o hindi direktang suporta sa armadong pakikibaka.

Kaugnay dito, sinabi ng kalihim na maaari silang magpa-rehistro bilang isang lehitimong partido, basta’t itatakwil nila ang subersyon o paghihimagsik para sa hangarin sa kapangyarihan sa pulitika.

Naniniwala rin si Teodoro na walang maituturing na “legal fronts” dahil lahat ng front ay iligal.

Nanindigan naman ang DND Chief na batay sa kanyang personal na posisyon ay hindi siya sang-ayon sa peace talks, at ang anumang usapang pangkapayapaan ay maaari namang idaan sa tamang forum tulad ng kongreso sa pamamagitan ng lehitimong political process. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author