Itinalaga ni Health Secretary Ted Herbosa si dating DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire bilang Chief of Undersecretaries for Operations ng ahensya sa buong bansa.
Sinabi ni Herbosa na pangungunahan ni Vergeire na siyang nagsilbing DOH OIC sa loob ng halos isang taon, ang iba pang undersecretaries na in-charge sa mga aktibidad sa National Capital Region, Southern Luzon, Northern at Central Luzon, Visayas, at Mindanao.
Idinagdag ng bagong kalihim na makakatuwang niya si Vergeire upang maabot ang kanilang goals sa ahensya sa pamamagitan ng karanasan nito at dating trabaho bilang caretaker ng DOH.
Sa kasalukuyan, si DOH Undersecretary Eric Tayag ang namumuno sa Field Implementation at Coordination Team sa Northern at Central Luzon habang sina Undersecretary Nestor Santiago Jr. sa NCR at Southern Luzon, Undersecretary Camilo Cascolan sa Visayas, at Undersecretary Abdullah Dumama Jr. sa Mindanao.
Samantala, itinagala rin ni Herbosa si Tayag bilang chief information officer ng DOH. —sa panulat ni Lea Soriano