dzme1530.ph

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, bumaba sa 14.6%

Patuloy na bumababa ang weekly COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula sa 19.9% noong May 30 ay bumaba ito sa 14.6% kahapon, June 7.

Dahil sa patuloy na downward trend ng mga kaso ng COVID-19, inaasahan ni David na sasadsad pa ito ng mas mababa sa 10% sa susunod na linggo.

Samantala, bumaba rin ang nationwide positivity rate sa 16.6% kahapon mula sa 17.7% noong nakaraang linggo.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bulang ng mga isinailalim sa pagsusuri. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author