Umapela si National Unity Party President at Camarines Sur Cong. LRay Villafuerte, sa ehekutibo at lehislatura ng pagkakaisa.
Ang panawagan ay kasunod ng mga pasaring ni Vice President Sara Duterte kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ayon kay Villafuerte, ang ipinangakong pag-unlad sa kabuhayan ng mga Pilipino ni PBBM ang prayoridad ng supermajority alliance na binuo ni Romualdez sa Kamara.
Sa statement ni Sara, nilinaw nito na walang papel si Romualdez sa pagsabak niya sa vice presidential race noong 2022, at kasinungalingan na sabihing malaki ang naitulong nito sa kanyang kandidatura.
Malaking insulto aniya ito sa libu-libong grupo at indibidwal na siya talagang gumawa ng paraan upang kumbinsihin sya na sumabak sa national politics.
Nanawagan naman ni Sta. Rosa City Cong. Dan Fernandez kay VP Sara na tumakbo at nanalo sa slogan ng “unity” na samahan ang pangulo sa pamamagitan ng aksyon ng pagkakaisa. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News