dzme1530.ph

Senado, handang makipagtulungan kay DND Sec. Teodoro para plantsahin ang reporma sa pension ng MUP

Tiniyak ni Senate Committee on National Defense and Security Chairman Jinggoy Estrada na handa silang makipagtulungan kay bagong Defense Secretary Gilbert Teodoro para sa isinusulong na reporma sa pension ng military at iba pang uniformed personnel (MUP).

Plano ni Estrada na makipagpulong kay Teodoro para talakayin ang isyu sa pensyon at maiwasan ang fiscal collapse.

Sa ngayon ay tapos nang dinggin ng kumite ang panukala para sa pagsasaayos ng pension at bumuo na ng technical working group (TWG) para ito ay plantsahin.

Una nang sinabi ni Teodoro na ang marching order sa kanyan ng Pangulo ay makipagtulungan sa lehislatura at sa AFP para ipagpatuloy ang isinulong nina dating DND OIC Carlito Galvez at Finance Sec. Benjamin Diokno na maghanap ng paraan para maging sustainable ang MUP pension scheme

Patuloy na lumalaki ang budget para sa pension ng MUP na nagmumula sa gobyerno dahil wala namang binabayarang kontribusyon ang mga sundalo at iba pang uniformed personnel para rito.

Kumpiyansa naman si Senate Committee on Public Order Chairman Ronald ‘Bato’ dela Rosa na hindi papayag si Teodoro na ibaba o itulad ang MUP sa level ng mga anya’y insignificant government employees.

Ito ayon kay dela Rosa ay dahil hindi na bago para kay Teodoro ang kalagyan ng MUPs dahil dati na siyang kalihim ng DND. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author