dzme1530.ph

Mga benepisyong taglay ng patola, alamin!

Ang patola ay nagtataglay ng iba’t ibang antioxidants, minerals, vitamins, nutrients at lipids. Mayaman ito sa vitamin A at carbohydrates at great source din ng vitamin B5, vitamin B6, vitamin C, manganese, potassium, iron, magnesium, copper at total dietary fiber.

Dahil sa taglay na vitamin B5 ng patola, nakatutulong ito sa pagpapababa ng bad cholesterol level, pati na triglycerides na nakababawas sa tsansa ng pagkakaroon ng cardiovascular diseases.

Ang presensya ng iron sa patola ay nakatutulong naman sa pagtanggap ng oxygen sa utak para gumana ito ng tama. Ang kakulangan ng iron ay maaring magresulta sa poor memory, apathy o kawalang-interes, at pananamlay.

Ang pag-inom ng katas ng patola ay nakatutulong sa pagko-kondisyon ng defense mechanism sa katawan upang malabanan ang infections at viruses.

Mainam din ang naturang gulay upang maiwasan ang diabetes at eye problems, at maari rin itong panlunas sa muscle pain, arthritis, at anemia. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author