Bumagsak sa three-month low ang dollar reserves ng Pilipinas noong Mayo, kasunod ng pag-withdraw ng pamahalaan sa idineposito nito sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para ipambayad ng utang sa naturang panahon.
Sa datos na inilabas ng BSP, naitala sa $101.296-B ang Gross International Reserves (GIR) noong ikalimang buwan, mas mababa sa $101.760-B noong Abril at $103.646-B noong Mayo ng nakaraang taon.
Ito ang pinakamababa sa loob ng tatlong buwan simula nang maitala sa $98.1-B ang GIR noong Pebrero.
Ang GIR ay ang sukatan ng abilidad ng bansa na makatupad sa import payments at service foreign debt. —sa panulat ni Lea Soriano