Tiniyak ng bagong talagang Health Secretary na si Dr. Ted Herbosa sa mga healthcare workers na matatanggap nila ang kanilang long overdue na COVID-19 benefits.
Sabi ni Herbosa, makikipag-coordinate ang Department of Health (DOH) sa Department of Budget and Management (DBM) upang matugunan ang delays sa payment ng special risk allowance sa healthcare workers na nagbigay ng serbisyo sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Noong Pebrero ay inihayag ni noo’y DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na 805,000 healthcare workers mula sa local at national government at private sector ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang allowances.
Samantala, inihayag din ni Herbosa na uunahin niyang tugunan ang pagdagsa ng healthcare workers sa abroad na mayroong mas mataas na pasuweldo. —sa panulat ni Lea Soriano