Binigyang diin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro sa press conference sa Camp Aguinaldo kahapon, na kailangang magkaroon ng sariling budget ang Department of National Defense (DND) para mas epektibo nitong mapamahalaan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensyang nasa ilalim nito.
Para sa kalihim, kakaunti ang 400 tauhan ng DND para pamahalaan ang AFP, na pinakamalaking ahensya ng pamahalaan.
Samantala, pagdating naman sa modernisasyon ng AFP, sisikapin niyang makakuha ng pondo para lubusang maisulong ang pagbili ng mga bagong kagamitan ng AFP sa ilalim ng Modernization Program.
Paliwanag ng kalihim, ang pagbili ng bagong kagamitan ay “necessary expenses” na kung hindi mabibili ngayon ay magiging lagpas triple na ang presyo sa hinaharap. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News