Nilinaw ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi siya tutol sa isinusulong na anti-discrimination sa mga miyembro ng LGBTQIA plus community.
Ipinaliwanag ni Villanueva na walang kahit sinong indibidwal ang nais na mabiktima ng diskriminasyon subalit para sa kanya ay mas makabubuti kung saklaw ang lahat ng isinusulong na Anti-Discrimination Bill.
Binigyang-diin pa ng senador na mahal niya ang LGBTQIA plus community at katunayan ay ilang mga kilalang personalidad sa komunidad ang kanyang mga kaibigan.
Mali anya ang paratang ng iba na siya ay anti-LGBTQIA plus at hindi rin anya siya tutol sa pagbibigay ng equal protection sa kanila subalit mas karapat-dapat anya ang holistic at inclusive Anti Discrimination Bill.
Una nang sinabi ni Villanueva na hindi prayoridad ng Senado ang SOGIE bill na isinusulong ni Senador Risa Hontiveros bilang proteksyon sa social rights ng mga miyembro ng LGBTQIA plus. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News