dzme1530.ph

‘Visa-Free’ Travel program, binuksan ng Canada para sa mga Pilipino

Inanunsyo ng Ottawa na qualified na para sa “visa-free” travel ang mga Pilipino sa ilalim ng kanilang Electronic Travel Authorization (ETA) Program.

Inihayag ng Canadian embassy sa Pilipinas na ang hakbang na ito ay bilang pagsuporta sa Indo-Pacific strategy na ang layunin ay palakasin ang relasyon at mag-invest sa people-to-people ties sa pagitan ng Canada at Indo-Pacific region, kabilang ang Pilipinas.

Ayon sa embahada, ang Pilipinas ay isa sa labintatlong karagdagang bansa na ang eligible citizens ay maari nang mag-benepisyo mula sa visa-free travel.

Sa nakalipas na 10 taon, nakapag-isyu ang Canada ng 466,936 temporary resident visas sa mga mamamayan mula sa Pilipinas.

Para makapag-apply sa ETA, kailangan lamang ng mga biyahero ng isang valid ID, credit card, email address at access sa internet. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author