Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Overseas Filipino Workers (OFWs) para sa pagdiriwang ng Migrant Workers Day ngayong Hunyo a-7.
Sa video message, inihayag ng Pangulo na ang kontribusyon ng tinaguriang “Modern Day Heroes” ay nakapag-angat sa buhay at tumupad sa pangarap ng marami, at nakatulong sa pagsulong ng Pilipinas.
Nauunawaan din ni Marcos ang pagsubok na kanilang kinahaharap sa pagiging malayo sa kanilang mga mahal sa buhay, pag-aadjust sa mga bagong kultura, at pagharap sa mga balakid.
Kaugnay dito, tiniyak ng Chief Executive na patuloy nitong patatatagin ang ugnayan sa host countries ng OFWs upang masiguro ang kanilang kaligtasan at well-being.
Binigyang diin pa nito na sa kabila ng milyang-milyang distansya ay nananatiling nakatanim sa Pilipinas ang “heart and soul” ng mga OFW. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News