Magbabalik na ngayong Hunyo ang tinatawag na “open house” ng Manila Cathedral, Intramuros sa lungsod ng Maynila.
Sa isang abiso, sinabi ng pamunuan ng Manila Cathedral na ang open house ay gagawin makalipas ang 3 taong pagkahinto nito dahil na rin sa COVID-19 pandemic na tumama sa bansa.
Nakatakdang idaos ang open house sa araw ng lunes mula 9:00am hanggang 6:00pm, June 12, o Araw ng Kalayaan.
May alok na libreng “guided tours” mula 10:00am at 3:00pm para sa publiko sa maraming ng Cathedral.
Layunin nito na lalo pang ma-appreciate o mas pahalagahan ng mga Katoliko ang kasaysayan at kontribusyon ng Manila Cathderal sa ating bansa.
Bukod sa guided tours, mayroon ding Banal na Misa, Pipe Organ Mini Concert at iba pa.
Para sa katanungan at iba pang update, maaaring bisitahin ang official FB page ng Manila Cathedral. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News