May magagawa pa ang Kuwaiti government upang matiyak ang kapakanan ng Filipino workers sa Gulf State.
Ito ang paniniwala ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Vega, kasabay ng pagsasabing sa tingin naman nila ay walang nalabag sa kasunduan ang Kuwait.
Mahigit 600 Pinoy ang iniuwi ng bansa mula sa Kuwait sa gitna ng labor row na kinabibilangan ng mga manggagawang Pinoy na mayroong labor cases, gaya ng overstaying o kawalan ng work permit.
Una nang nagpatupad ang Kuwait ng entry ban sa mga Pilipino na walang residency permit at nag-demand na isara ng Pilipinas ang shelters na nagkakanlong sa migrant workers na tumakas sa kanilang mga employer. —sa panulat ni Lea Soriano