Guilty ang hatol ng Regional Trial Court (RTC) sa Pampanga sa isang police at isang errand boy sa National Bureau of Investigation (NBI), kaugnay ng pagkamatay ng South Korean businessman na si Jee Ick-Joo.
Gayunman, pinawalang sala ng Angeles City RTC ang umano’y mastermind na si Supt. Rafael Dumlao, bunsod ng kabiguan ng prosekusyon na mapatunayan na guilty ito beyond reasonable doubt.
Samantala, hinatulan ng hanggang 40 taong pagkabilanggo si Police Chief Master Sergeant (dating SPO3) Ricky Sta. Isabel at NBI errand boy na si Jerry Omlang.
Convicted din ang dalawa sa pagdukot sa helper ni Jee na si Marissa Marquicho at sa pag-carjack sa sasakyan ng dayuhan, na may parusa na panibagong 22 hanggang 25 na taong pagkabilanggo.
Si Jee ay sinakal sa loob ng kanyang SUV habang nakaparada sa loob ng Camp Crame na main headquarters ng PNP. —sa panulat ni Lea Soriano