Pumalo sa mahigit 449-M mga bata ang naninirahan sa mga lugar kung saan laganap ang karahasan noong 2021.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng international non-governmental organization na Save The Children.
Batay sa UN report, halos 24,000 ang naitalang serious violations laban sa mga bata bunsod ng armed conflicts.
Habang aabot naman sa 2,515 bata ang binawian ng buhay at 5,555 bata ang nagkaroon ng kapansanan.
Umakyat din ang bilang ng child abduction crimes at sexual abuse cases ng mahigit 20% noong 2021.
Kabilang sa pinakalaganap na krimen laban sa mga bata ang murder, mutilation, recruitment para sa giyera, at pagharang sa humanitarian aid.
Nanguna ang mga bansang Afghanistan, Democratic Republic of the Congo, Israel, Palestine, Somalia, Syria, at Yemen sa may pinakamaraming krimen laban sa mga bata. —sa panulat ni Jam Tarrayo