Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order no. 30 na nag-aamyenda sa Public-Private Partnership Governing Board.
Ito ay upang mapalakas pa ang partisipasyon ng pribadong sektor sa mga proyekto ng pamahalaan.
Sa ilalim nito, ni-reorganize ang build-operate-transfer center at pinalitan bilang PPP center, na nakadikit sa National Economic and Development Authority at ito ang magsisilbing central coordinating at monitoring agency sa lahat ng PPP projects sa bansa.
Aatasan din itong magtakda ng strategic direction ng PPP program at policy.
Magsisilbing chairman nito ang socio-economic planning secretary, secretary of finance bilang vice-chairperson, at secretaries ng budget and management, justice, trade and industry, at executive secretary bilang mga miyembro.
Magkakaroon din ito ng isang kinatawan mula sa private sector na itatalaga ng pangulo. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News