dzme1530.ph

Sitwasyon sa pantalan ng Hilton sa Lapu-Lapu City, Cebu, balik operasyon na

Balik normal operation na ang sitwasyon sa Hilton Port sa Barangay Punta Engaño, Lapu-Lapu City, Cebu.

Matapos kurdunan ng mga awtoridad ang lugar kung saan nahulog sa dagat ang hulihang bahagi ng 10-wheeler truck sa nasabing port noong Biyernes ng umaga, Hunyo 2, 2023.

Ayon sa PCG, kasalukuyan silang nagsasagawa ng conducting pre-departure inspection noong nangyare ang insidente, ng biglang namataan ng PCG Station Lapu-lapu ang nangyari.

Lumalabas sa imbestigasyon, base narin sa salaysay ng driver, nagkaron ng malfunction habang ino-onboard sa isang vessel na papunta sa Olango Island, habang lulan ng truck ang sandamakmak na kawayan.

Dagdag pa na ang CDRRMO Lapu-lapu at Mandaue City Traffic Enforcement Towing Team ang siya namang nag-pullout ng truck sa katubigan sa port.

Saad pa ng PCG Station Lapu-Lapu, walang napaulat na injured at trace ng oil spill mula sa truck sa pinangyarihan ng insidente. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author