dzme1530.ph

Paggamit ng Pfizer bivalent vaccine bilang 3rd boostor dose, pinayagan na ng DOH

Pinayagan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng Pfizer bivalent vaccine bilang ikatlong booster dose.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, maaari itong maging alternatibo habang hinihintay ang pagdating ng COVID-19 bivalent vaccines.

Nakasaad sa memorandum na pinirmahan ni Vergeire na dapat sundin ang “phased approach” kung saan uunahin ang mga nasa category A1 (mga healthcare workers) at A2 (mga senior citizen) sa mga mabibigyan ng Pfizer bivalent vaccine bilang ikatlong booster shot.

Paalala ni Vergeire, kailangan lamang na maghintay ng hindi bababa sa apat na buwan pagkatapos matanggap ang ikalawang booster shot bago kunin ang susunod na dose. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author