Iminungkahi ng Departmetn of Trade and Industry (DTI) na suspindehin muna ang pagpapataw ng taripa para sa mga e-vehicle sa bansa sa loob ng 5 taon.
Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual, layon nito na mabigyan ng pagkakataon na ma-promote ang development ng industriya gayundin ang makapanghikayat na magkaroon ng sustainable na transportasyon.
Dagdag pa ng kalihim, bahagi ito ng kanilang pro-active na hakbang upang mapalaganap ang paggamit ng electronic vehicle sa bansa na nakatutulong hindi lamang sa kalikasan kundi maging sa kalusugan.
Isinusulong din ng DTI na gawing mura at abot kaya sa merkado ang mga electronic vehicle, at mangyayari lamang ito kung aalisin ang ipinapataw na taripa o buwis sa pag-aangkat nito.
Lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng Tariff Commission noong Mayo a-12 ng nakalipas na taon, na mananatili sa 20% ang ipapataw na taripa para sa mga e-jeepney habang 30% naman sa e-tricycle.
Target din nito na masuportahan ang mga local producer gayundin ay makapagbigay daan para sa mabilis at maayos na transition. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News