dzme1530.ph

PBBM, inilabas ang EO no. 29 na nag-aatas sa gov’t offices at LGUs na i-adopt ang IFMIS

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 29 na nag-aatas sa lahat ng government offices at local government units na i-adopt at ipatupad ang Integrated Financial Management Information System (IFMIS) sa kanilang mga transaksyon sa publiko.

Sa ilalim ng kautusan, inamyendahan ang Executive Order No. 55 Series of 2011, at ito ay alinsunod sa pangako ng administrasyon na pagagandahin ang bureaucratic efficiency sa pamamagitan ng digitalization, para sa mas mabilis at mas epektibong paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Bukod sa national government at LGUs, saklaw din ng kautusan ang Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Samantala, sa nasabing EO ay ipinag-utos rin ang pagtatatag ng public financial management committee, upang umalalay sa transition sa full digitalization ng public financial management processes.

Magiging tungkulin ng PFM Committee na pag-aralan ang mga polisiya at proseso kabilang ang budget management, cash management, at accounting and reporting.

Layunin ng EO na matiyak ang ease of doing business at transparent na transaksyon sa pamahalaan. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author