Naglabas ng update ang Incident Management Team-Oriental Mindoro (IMT-OrMin) tungkol sa patuloy na pagsipsip ng DSV Fire Opal ng natitirang langis sakay ng lumubog na MT Princess Empress sa kalapit na karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro.
Nasimulan na ng Malayan Towage and Salvage Corp. (MTSC) na buksan ang Cargo Oil Tanks (COTs) ng MT Princess Empress gamit ang mga ROV at mga naka-deploy na “catchcan” para mangolekta ng langis.
Ayon sa PCG nakolekta na ng COT Number 1 Starboard ang humigit-kumulang 50 litro at tinatayang nasa 75 litro naman ang nakuha ng COT Number 1 Port.
Habang ang COT Number 2 Starboard at COT Number 2 Port ay patuloy pang inaalam ang kinalalagyan ng langis.
Napag-alaman na ang COT Number 1 port at starboard hatch cover ay bukas, ngunit walang lumalabas na langis.
Gayunpaman, ang nasabing mga tangke ay nasa patuloy pang binabantayan.
Dahil ditto, pansamantalang isinara ng MTSC ang nasabing cargo oil tank para ipagpatuloy ang pagsusuri sa dalawa pang tangke, ng COTs Number 3-4 mula sa (port & starboard). —sa ulat ni Felix Laban, DZME News