dzme1530.ph

Breast Cancer Abot Kamay Ako advocates nanawagan ng pakikiisa para labanan ang sakit na cancer

Hindi bababa sa halos 27,000 na indibidwal na tinatamaan ng sakit na cancer sa bansa taun-taon kung saan halos 9,000 dito ay namamatay.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Philippine Society of Medical Oncology (PSMO).

Sa Pandesal Forum sa Kamuning, QC, sinabi ni Dra Herdee Luna, ang breast cancer ang pangatlo na pumapatay sa mararaming Pilipino partikular sa mga kababaihan.

Kung kaya’t sa pagdiriwang ng Cancer Survivor’s Month, nanawagan ang grupo na maging aware ang bawat Pilipino sa sakit na ito at maging mapagmasid lalong lalo na ang mga kababaihan para maiwasan ang sakit na breast cancer.

Naniniwala ang grupo na kung maagapan ang sakit ay maiiwasan ang pagkasayang ng buhay lalo na ng ating mga mahal sa buhay.

Ayon kay Dra Luna, mas mabuting palaging magpakunsulta kahit wala pang nararamdaman para maagapan ang sakit na ito. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author