dzme1530.ph

Committee hearings at consultations, tuloy sa Senado kahit break ang sesyon

Bagama’t isinara na ang first regular session ng 19th congress, magpapatuloy pa rin ang trabaho ng mga senador partikular sa pagsasagawa ng public hearings, meeting at consultation.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, epektibo pa rin ang Senate Resolution No. 21 na nagbibigay otorisasyon sa lahat ng committee, oversight committee at special committee na magsagawa ng pagdinig, magpatawag ng miting at konsultasyon kahit naka adjourn ang sesyon.

Sinabi ni Villanueva na nasa kamay na ng chairman ng bawat kumite ang pagtatakda ng mga pagdinig lalo na kung ito ay may kinalaman sa pambansang interes.

Sa pagsasara ng sesyon kagabi, nangako si Senate President Juan Miguel Zubiri na sa pagbabalik ng sesyon sa huling linggo ng Hulyo ay isusulong nila ang mga panukala na may high impact upang mapalakas ang ekonomya at matulungan  ng mga ordinaryong mamamayan. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author