dzme1530.ph

Publiko, pinaghahanda na sa lumalalang epekto ng climate change -DOST

Pinaghahanda na ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. ang publiko sa lumalalang epekto ng climate change sa bansa.

Binigyang diin ni Solidum na ang nararanasang pagtaas ng lebel ng dagat at matinding init ng panahon ay epekto ng global warming na isa sa pinaka mapanganib na krisis sa klima.

Ayon sa kalihim, magkakaroon din ng “decrease in rainfall” sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas kung kaya’t dapat na magtipid ng tubig at kuryente dahil posibleng makaranas ng kakulangan ng mga ito.

Gayunman, bago dumating ang El Niño, asahan pa rin aniya ang mas malakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa dahil sa habagat. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author